Horoscope sa ngayong araw October 13, 2021

Author | Publisher ID: 38232


Public Text
October 13, 2021 01:43:04 AM - PST | 95 views

♈ Aries March 21 - April 19
♉ Taurus April 20 - May 20
♊ Gemini May 21 - June 20
♋ Cancer June 21 - July 22
♌ Leo July 23 - August 22
♍ Virgo August 23 - September 22
♎ Libra September 23 - October 22
♏ Scorpio October 23 - November 21
♐ Sagittarius November 22 - December 21
♑ Capricorn December 22 - January 19
♒ Aquarius January 20 - February 18
♓ Pisces February 19 - March 20


ARIES (March 21-April 19) – Iwasan munang magbaba ng isang major decision pagdating sa isyu ng iyong career. Maging sa ibang aspeto ay wala kang kasiguraduhan pagdating sa araw na ito kaya iwas muna na i-commit ang iyong sa­rili.

TAURUS (April 20-May 20) – Isang problemang matagal nang nagpapahirap sa iyo ang magkakaroon ng kasagutan ngayon. Mag-ingat lamang at huwag munang masyadong magrelaks. May iba pang isyung magsusulputan na may kinalaman dito.

GEMINI (May 21-June 20) – May pagkakataong kailangan mo munang umaktong hindi ka apektado sa ilang kontrobersiya sa paligid mo. Sa loob ng linggong ito, hindi masamang magpanggap. Sa susunod na linggo, mas nasa posisyon ka na para harapin ito.

CANCER (June 21-July 22) – Gawin ang lahat para hindi masira ang magandang pagsasamahan. Anumang relasyon na magka­lamat ngayon ay mahihirapan kang isoli sa dati kaya umiwas sa mga komprontasyon.

LEO (July 23-August 22) – Hindi ka man naniniwala sa himala, maraming pangyayari ang nagpapakitang nagagabayan at napapa­boran sa mga nagdaang araw. Magpapatuloy ang ganitong pakiramdam sa buong linggong ito.

VIRGO (August 23- September 22) – Kung may mga plano ka na naisantabi o pansamantala mo nang naibaon sa limot, ngayon ay mabubuhay muli ang iyong interes. Kasama na rito ang interes sa isang potensyal na partner.

LIBRA (September 23-October 22) – Walang makakapuwersa sa iyo na gawin ang hindi mo gusto pero sa ngayon ay kaya kang kumbinsihin ng isang special someone. Nagpapakita lamang ito na iba ang nararamdaman mo para sa taong ito.

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi mo kayang takasan ang anumang problema. May pagkakataong nagagawa mong iwasan ang isyu pero ngayon ay kaila­ngan mong buong pusong harapin ito.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kailangan mong i-adjust o kontrolin ang iyong paggastos. Nakasalalay sa mga susunod na araw kung magiging taghirap ang kalagayan mo o hindi. Iwasan ang mga luho lamang.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang plano na nag-umpisa sa maayos na takbo ang biglang mahihinto ngayon. Sen­yales lamang ito na kailangan mo munang pag-aralang mabuti ang pasikot-sikot nito. May pagkakataon pa para umatras

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi ikaw ang taong nananahimik kapag may natatanggap na kritisismo pero sa pagkakataong ito, kaila­ngan mo itong gawin. May magandang punto ang kanilang mga puna at kailangan mo itong tanggapin para makagawa ng kaukulang adjustment.

PISCES (February 19-March 20) – May madidiskubre ka sa isang kaibigan na ika­kabigla mo. Mare-rea­lize mo rin na matagal mo na itong nararamdaman pero hindi mo lamang napapag-ukulan ng pansin.


Picture 1